Category living

MGA MATA SA ESKINITA

SA TUWING sasapit ang dilim, may mga mata namang nakamasid sa isang eskinita. Mga matang namumugto. Namumula. Puno ng galit at kalungkutan. Ang mga labi ay may mga salitang inuusal ngunit sarili niya lang ang nakaririnig. Hindi alintana ang mga dumadaang tao. Hindi rin naman siya papansinin ng karamihan sa mga ito. Suot ang kanyang […]

TRES

—–     I – PANANAMPALATAYA   Sa gitna ng bagyo; Bagyong nagbihis delubyo, Sandata’y panalanging mula sa puso Ng bayang walang awang binabayo.   Tanging kinakapitan, Tanging inaasahan, Maisalba ang sambayanan Sa gitna ng nangangalit na hangin at ulan.   Sa tuluyang paglipas ng unos, Kabuhayan ma’y naupos, Pasasalamat ay lubos. Sa paniniwala’y ‘di bibitaw […]

ANGHEL SA LUPA

—– Pakalat-kalat sa daan. Nanlilimos ng awa ngunit kanilang hinahamak. Pinandidirihan. Ipinagtatabuyan. Pinagtatawanan. Kaawa-awang pagmasdan ang dalagitang niyayapos ang humahapding tiyan. Magulo ang kaniyang buhok. Ang puting bestida nito ay maduming-madumi na’t punit-punit. Dahil tila walang nahahabag sa kalagayan ni Mara, naghanap na lang siya ng tira-tirang pagkain sa basurahan. Pinalad naman si Mara na […]

TATAK PINOY

Written by: Maccheb I. Pagmamahal sa bayan hindi mahihigitan dugo ang pinuhunan. II. Umukit ng pangalan sa kanilang larangan ‘di manakaw na yaman. III. Pananalig sa Diyos ‘di mapatid matapos hinigpitan pang lubos. IV. Salat na pagkatao inaapi ng mundo sinisikap mabago. V. Para lang makaipon lungkot ay binabaon hikbi ay nilululon. VI. Sa sipag […]

MING KUTING

Written by: Maccheb Natagpuan si Ming na natutulog sa paboritong silya ng kaniyang amo. Hinimas-himas siya nito kaya’t siya ay nagising. Iinunat niya ang kaniyang katawan kasunod ng isang mahabang hikab. “Meow!” nasabi niya. Ikiniskis niya ang kaniyang malambot na katawan sa kamay ng amo. Mayamaya’y narinig niya na ang pagtawag ng kaniyang inang si […]

ANGELITA

Written by: Maccheb Sa kabila ng maunlad at sibilisadong pamumuhay sa lungsod, hindi pa rin nito maikukubli ang katotohanang may mga naiwan pa ring natutulog sa mga kalye. Sila ang mukha ng kahirapan. Ang katotohanang kahit pilit itago ng lipunan ay hindi kaylanman mapagtatakpan ang tunay na kalagayan. Salat sila hindi lamang sa kayamanan kung […]

INSPIRASYON

Since high school, hobby ko na ang magsulat ng mga kwento at tula hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral. Nang magtrabaho na ako, natigil ako. Hindi lang dahil busy kundi dahil tanggap ko na na hindi para sa akin ang pagsusulat at ito’y hanggang pangarap na lang. Isang araw, na-share sa akin ng pinsan ko […]

SECOND CHANCE

Nagkasakit ka na ba? Anong klaseng tanong naman iyon? Lahat naman tayo nagkakasakit hindi ba? Pero seryoso, nagkasakit ka na ba? Iyong tipong natakot ka na baka oras mo na at iyon na marahil ang magiging dahilan ng kamatayan mo? Natakot ka na maiwan mga mahal mo sa buhay? Noong isang araw, nagkasakit ako. Naalala […]

Laban

Naranasan n’yo na bang laitin, pagtawanan, apihin o mapahiya? Marahil alam n’yo ang pakiramdam. Masakit. Pero higit na masakit ang husgahan. Tawagin ng kung anu-anong hindi naman ikaw. Husgahan dahil lang sa panlabas mong kaanyuan. Husgahan dahil sa kalagayan mo sa buhay na hindi mo naman ginusto. Lahat ‘yan napagdaanan ko na. Sabi nga ng iba, bitter […]

BASURA mo, PAKINABANGAN mo

Ang dami ng basura sa mundo noh? Kahit na dito sa atin. Kahit saang sulok ka yata tumingin may basura. Isa sa pinakamalaking problema ng bansa. Basura sa kalye, sa mga kanal, sa mga ilog at kahit nga ang ating karagatan hindi rin nakaligtas. Karaniwang sanhi ng polusyon, pagkalat ng sakit, pagkamatay ng mga isda […]