Author Archives: Maccheb's Corner

MGA MATA SA ESKINITA

SA TUWING sasapit ang dilim, may mga mata namang nakamasid sa isang eskinita. Mga matang namumugto. Namumula. Puno ng galit at kalungkutan. Ang mga labi ay may mga salitang inuusal ngunit sarili niya lang ang nakaririnig. Hindi alintana ang mga dumadaang tao. Hindi rin naman siya papansinin ng karamihan sa mga ito. Suot ang kanyang […]

TRES

—–     I – PANANAMPALATAYA   Sa gitna ng bagyo; Bagyong nagbihis delubyo, Sandata’y panalanging mula sa puso Ng bayang walang awang binabayo.   Tanging kinakapitan, Tanging inaasahan, Maisalba ang sambayanan Sa gitna ng nangangalit na hangin at ulan.   Sa tuluyang paglipas ng unos, Kabuhayan ma’y naupos, Pasasalamat ay lubos. Sa paniniwala’y ‘di bibitaw […]

ANGHEL SA LUPA

—– Pakalat-kalat sa daan. Nanlilimos ng awa ngunit kanilang hinahamak. Pinandidirihan. Ipinagtatabuyan. Pinagtatawanan. Kaawa-awang pagmasdan ang dalagitang niyayapos ang humahapding tiyan. Magulo ang kaniyang buhok. Ang puting bestida nito ay maduming-madumi na’t punit-punit. Dahil tila walang nahahabag sa kalagayan ni Mara, naghanap na lang siya ng tira-tirang pagkain sa basurahan. Pinalad naman si Mara na […]

TATAK PINOY

Written by: Maccheb I. Pagmamahal sa bayan hindi mahihigitan dugo ang pinuhunan. II. Umukit ng pangalan sa kanilang larangan ‘di manakaw na yaman. III. Pananalig sa Diyos ‘di mapatid matapos hinigpitan pang lubos. IV. Salat na pagkatao inaapi ng mundo sinisikap mabago. V. Para lang makaipon lungkot ay binabaon hikbi ay nilululon. VI. Sa sipag […]

MING KUTING

Written by: Maccheb Natagpuan si Ming na natutulog sa paboritong silya ng kaniyang amo. Hinimas-himas siya nito kaya’t siya ay nagising. Iinunat niya ang kaniyang katawan kasunod ng isang mahabang hikab. “Meow!” nasabi niya. Ikiniskis niya ang kaniyang malambot na katawan sa kamay ng amo. Mayamaya’y narinig niya na ang pagtawag ng kaniyang inang si […]

ANGELITA

Written by: Maccheb Sa kabila ng maunlad at sibilisadong pamumuhay sa lungsod, hindi pa rin nito maikukubli ang katotohanang may mga naiwan pa ring natutulog sa mga kalye. Sila ang mukha ng kahirapan. Ang katotohanang kahit pilit itago ng lipunan ay hindi kaylanman mapagtatakpan ang tunay na kalagayan. Salat sila hindi lamang sa kayamanan kung […]

INSPIRASYON

Since high school, hobby ko na ang magsulat ng mga kwento at tula hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral. Nang magtrabaho na ako, natigil ako. Hindi lang dahil busy kundi dahil tanggap ko na na hindi para sa akin ang pagsusulat at ito’y hanggang pangarap na lang. Isang araw, na-share sa akin ng pinsan ko […]