TATAK PINOY

Written by: Maccheb

I.
Pagmamahal sa bayan
hindi mahihigitan
dugo ang pinuhunan.

II.
Umukit ng pangalan
sa kanilang larangan
‘di manakaw na yaman.

III.
Pananalig sa Diyos
‘di mapatid matapos
hinigpitan pang lubos.

IV.
Salat na pagkatao
inaapi ng mundo
sinisikap mabago.

V.
Para lang makaipon
lungkot ay binabaon
hikbi ay nilululon.

VI.
Sa sipag at tiyaga
matatamis na bunga
ngayo’y tinatamasa.

VII.
Itatangging ikahon
pag-ibig na natuon
pamilyang inspirasyon.

Lahok sa Saranggola Blog Awards para sa katergoryang Diona.

Saranggola Blog Awards

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: