SECOND CHANCE

Nagkasakit ka na ba?
Anong klaseng tanong naman iyon? Lahat naman tayo nagkakasakit hindi ba? Pero seryoso, nagkasakit ka na ba? Iyong tipong natakot ka na baka oras mo na at iyon na marahil ang magiging dahilan ng kamatayan mo? Natakot ka na maiwan mga mahal mo sa buhay?

Noong isang araw, nagkasakit ako. Naalala ko tuloy noong nakaraang Semana Santa, buwan ng Abril, taong 2013. Nagkasakit ako ng malala. (Malala na ‘yon para sa’kin kasi madalas, trangkaso lang naman nagiging sakit ko.) Iyon ang pinaka-worst na pagkakasakit ko. Nagsimula siya ng Lunes Santo, maaga akong ginising ng sakit ng tiyan. Sakit na hindi ka makakatayo ng tuwid o hindi ka agad-agad makakabangon. Dati, tatlong araw lang magaling na ako subalit noong panahong iyon, hindi. Gusto kong kumain pero tuwing magkakalaman ang tiyan ko, ayaw niya nang tanggapin. Kung hindi ko i-tae, isusuka ko. (Sorry for those words.) Halos wala ng laman ang tiyan ko kung hindi tubig o gatas.
Aminado akong mali ang lifestyle na nakasanayan ko. Mula pa noong nag-aaral ako sa kolehiyo hanggang sa makapag-trabaho na ako, dahil na rin sa isang oras pa ang biyahe papunta sa lungsod, umiinom na lang ako ng kape at ilang piraso ng tinapay. Ang isasagot ko na lang kay mama, “Kakain na lang po ako pagdating ko roon, mali-late na ako eh.” Ngunit pagdating sa trabaho, nakakalimutan ko na lalo na kung maraming kliyente. Swerte na lang kung dumaan si kuya na nagtitinda ng burger dahil alam niyang bibili ako. Iniaabot niya na lang iyon sa table ko.
Isang araw, nagsimula ko nang maramdaman ang sakit na iyon. Dahil sa gutom na, napaparami ang kain ko tuwing lunch at dahil busog, sumasakit ang tiyan ko. Mahapdi na parang may nasusugat sa loob. And worst! Nakasanayan ko na ring tiisin iyon hanggang sa dumating nga ang araw na kinatakutan ko.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko basta masama, masakit. Ni hindi ako makatayo ng diretso at hindi ko mabitawan ang tiyan ko. Subalit kahit may iniinom na akong gamot, patuloy pa ring hindi tinatanggap ng tiyan ko lahat nang kainin ko. Payat ako. Iyong klase ng tao na kahit kumain nang kumain, hindi tumataba. Dahil sa pagkakasakit kong iyon, nangayayat pa ako lalo.
Dumating ang oras na napagod na ako dahil pakiramdam ko, malala na ako. Baka may iba pa akong sakit. Bawat sulok ng bahay namin kinakabisa ko na. Nasabi kong handa na akong mamatay sa edad na 24, tutal parang wala namang direksyon ang buhay ko. Tinanong ako ni mama kung anong nararamdaman ko. Sabi ko, “Ayaw ko na, pagod na pagod na ako.” Nakita ko siyang umiiyak habang galit na sinasabing huwag akong magsasalita ng ganun.
Isa si papa sa mga gumaganap na Twelve Disciples ni Jesus Christ tuwing Semana Santa, kasama siya sa prusisyon ng Biyernes Santo. Ipinahid niya sa Hinulid o Santo Entierro (image of Christ’s dead body) ang kanyang dalang panyo at ibinigay niya iyon sa akin pagkauwi niya. Nilagay ko iyon sa tiyan ko magdamag, wishing it will finally make me feel better. Kinaumagahan nga, unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko.
Anong na-realize ko?
Hindi tayo pinapabayaan ni God. Tayo ang nagpapabaya sa mga sarili natin. Sinasayang natin at hindi pinahahalagahan ang buhay na ipinahiram niya sa atin.
Nagpasalamat ako at nangakong aalagaan na at mamahalin ang sarili ko. Ang muling pagkakasakit ko noong isang araw ay itinuturing kong isang paalala na nakalimot ako sa pangakong iyon. Ganoon na naman ang sistema ko. Walang healthy breakfast, kulang sa tulog at kulang sa gawa. Nahihiya ako sa kanya.
Sino ba ako para baliin ang pangakong mahalaga para sa kanya? Sino ba ako para kwestiyunin ang pagmamahal niya sa tuwing mabibigo at masasaktan ako? Tao ang nanakit at patuloy na nananakit sa akin, hindi siya at pinahihintulutan niya iyon dahil alam niyang kaya ko.

Maikli lang ang buhay ng tao at hindi natin alam kung hanggang kaylan tayo sa mundong ito. Sabi nga ng high school teacher ko, “Gawin mo palagi ang best mo at ituring mong last day mo ang bawat araw mo.” Kung hindi mo pa nasasabi sa mga mahal mo kung gaano mo sila kamahal, sabihin mo na. Kahit araw-araw pa. Kung sinisira mo ngayon ang buhay mo dahil sa walang kwentang dahilan, may oras ka pa. Kapit ka sa kamay ko at sabay tayong babangon. Kung may kaaway ka, makipag-ayos ka na. Kung nag-iipon ka ng kayamanan sa lupa, sana maisip mong mas kailangan mong mag-ipon ng kayamanan sa taas dahil ang materyal na bagay ay mawawalan na ng halaga oras na tumigil ka na sa paghinga at ito ay hindi mo madadala. Kung naniniwala kang binigyan ka ng panibagong buhay at pagkakataong magsimulang muli, huwag mo na sanang sayangin. Alagaan mo at mahalin ang sarili mo dahil walang ibang mas may kakayahang gawin iyon kundi ikaw lang.

Everybody deserves a second chance.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: