INSPIRASYON

Since high school, hobby ko na ang magsulat ng mga kwento at tula hanggang sa makatapos ako ng pag-aaral. Nang magtrabaho na ako, natigil ako. Hindi lang dahil busy kundi dahil tanggap ko na na hindi para sa akin ang pagsusulat at ito’y hanggang pangarap na lang.
Isang araw, na-share sa akin ng pinsan ko ang kwentong “My Prince” ni Alyloony. Hindi iyon doon natapos. Mahigit limang story niya pa ang nabasa ko. Ganoon din sa mga kwento ni HaveYouSeenThisGirl. Pinakagusto kong story niya maliban sa “Diary ng Pangit” ay iyong “11 Ways to Forget Your Ex-boyfriend”. Ito iyong kwentong sumakit ang dibdib ko kaiiyak.
Because of them, muli akong humawak ng panulat. Muli kong hinayaang maglakbay ang aking diwa. Muli kong iginuhit ang pangarap na minsa’y pinili ko nang ibaon sa limot. Ang pangarap na siyang tanging magpapasaya sa akin.
Noong una, sinulat ko lang ang “Letting Go” para maka-move on. Para bigyan ng happy ending ang love story na nagpaguho ng mundo ko at dumurog sa puso ko. Isang love story na hindi naman totoo at hindi kaylanman magkakaroon ng kaganapan.
Bakit?
Dahil ako lang naman ang nagmahal at umasang mamahalin din ako ng bestfriend ko pero hindi nangyari. And yes, naka-move on ako paunti-unti dahil sa pagsusulat at sa tulong ng isang taong nagpa-realize sa akin na may taong magmamahal sa akin. Na hindi siya karapatdapat sa pagmamahal ko.
Ibinaling ko ang oras ko mula noong June 1, 2014 sa pagsusulat kesa umiyak. Inilabas ko lahat. Hanggang isang araw, nabanggit ng isang kakilala… “Nagsusulat ka pala. Bakit hindi subukang mag-blog?” Noong una hindi ko pinansin pero isang araw, namalayan ko na lang na kumukonsulta na ako kay google tungkol sa pagba-blog. Kung paano magsulat ng personal blog, saan at para saan.
Napadpad ako sa blog ng isang taong ngayon ay itinuturing ko na isang kaibigan at idolo kasi natutuwa talaga akong basahin ang mga blog niya. Habang nagbabasa ako feeling ko kasama ko lang iyong mga kaibigan ko na kahit malungkot ako, napapatawa ako. Para ngang siya iyong taong humila sa akin sa mundo ng blogging. (Parang magnet lang! Hehehe!)
Tinanong ko ang sarili ko. Bakit ko ba gagawin ito? Noon ko na-realize kung anong gusto kong gawin.
Gusto kong makatulong sa pamamagitan ng pagsusulat. Maka-inspire ng iba, makapagpangiti ng mga nasasaktan at umiiyak, dumamay sa mga taong hinuhusgahan ng mundo dahil sa kanyang katayuan sa buhay o dahil sa isang kapansanan at para maiparating ang pasasalamat ko sa mga taong nagmamahal at tumanggap sa akin.
Nakailang blog na rin ako. Kahit waley pa iyon at parang sa basurahan pa ang punta (Hehehe! Ang sama!), nakakataba ng puso na may mga ilang nag-email sa akin at nag-follow sa twitter account ko saying na “keep on writing because you inspired your readers”. Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan. Pero isang araw, nabasa ko ang mga comment sa blog ko sa facebook page ng site na pinapasahan ko. Masasakit, mapanghusga at kung anu-anong sinasabi against me without even reading the content, without even knowing me. Malandi raw ako, walang alam at walang kwenta ang blog ko. Makapag-blog lang daw kahit ano na lang. Hindi ako nakatulog noong gabing iyon. Sabi ng isang reader ko ng blog ko na nakasanayan ko nang tawaging kuya, walang mali sa blog ko at may maganda akong intensyon.
Its true na in writing, we can’t please everyone. May mga taong magugustuhan ka, merong hindi. Sabi rin ng idolo ko na kilalang author at scriptwriter, hindi tayo maaring husgahan ng iba, baguhan man o datihan. Ipunin natin iyong mga feedback na makakatulong sa atin para ma-improve pa natin ang pagsusulat pero iyong mga feedback na walang kwenta at nanghuhusga lang, huwag nang pansinin. Ganoon din ang sabi ng iba at ng mga kaibigan ko. Lalo ko pa siyang hinangaan. Kahit nasa taas na siya, hindi siya nagdadalawang isip na tumingin sa ibaba para magbigay ng inspirasyon at payo sa mga nagsisimula pa lang. Gusto kong maging tulad niya. At kung sakaling marating ko man ang pangarap na iyon, ako naman ang makakapitan ng iba.
Syempre, dahil rin sa isang taong dahilan kaya mas nagsisikap ako ngayong maabot ang mga pangarap ko. Sa taong tumanggap sa akin, naghintay at nagmamahal. Mula nang dumating siya sa buhay ko, nagbago ang pananaw ko pagdating sa love, sa mga tao sa paligid ko at katayuan sa buhay. Isa siya sa mga inspirasyon ko. Ang muling nagpa-ngiti sa akin pagkatapos ng ilang taong pagluha.
Ngayon, magpapatuloy ako gaano man kahirap. Kapalan na lang ng mukha, pamanhidan ng puso, lawakan ang pang-unawa at iwaksi ang ugaling ningas-kugon.
Biktima ka ba ng bullying? May kapansanan ka ba kaya tampulan ka ng mga panunukso at pakiramdam mo hindi ka tanggap ng mundo? Nagdurugo ba ang puso mo? Kailangan mo ba ng kaibigan?
Nandito ako. Alam ko ang pakiramdam dahil ganun din ako. Tara usap tayo.

Advertisements

2 comments

  1. Awesomeness! Keep it up Cherry! 🙂

    Liked by 1 person

  2. Thanky po! 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: