BASURA mo, PAKINABANGAN mo

Ang dami ng basura sa mundo noh? Kahit na dito sa atin. Kahit saang sulok ka yata tumingin may basura. Isa sa pinakamalaking problema ng bansa. Basura sa kalye, sa mga kanal, sa mga ilog at kahit nga ang ating karagatan hindi rin nakaligtas. Karaniwang sanhi ng polusyon, pagkalat ng sakit, pagkamatay ng mga isda at iba pang nabubuhay sa ilalim ng dagat, at higit sa lahat ang matinding baha tuwing sasapit ang tag-ulan.

Pero walang sisihan ha? Dahil lahat ng basurang nakikita at pinu-problema natin, sa atin rin nanggaling. Bawal nga daw magtapon ng basura kung saan-saan, lalo na sa ilog at dagat pero may ilang pasaway na sige parin.
Naaalala ko noong nasa elementarya ako, itinuro sa amin ang tungkol sa problema sa mga basura. Masama raw magsunog ng plastik dahil mabubutas ang ozone layer na maaaring maging sanhi ng pagdami ng greenhouse gasses na siyang magiging dahilan ng pag-init ng mundo. Ang ozone layer ay ang sumasala sa ultraviolet rays na mula sa araw. Correct me if I’m wrong na lang po.

‘Yong nabubulok raw, pwedeng ibaon sa lupa at maaari pang maging pataba sa mga halaman. Ang mga hindi nabubulok katulad ng mga bote at lata ay maaaring ibenta sa mga junk shop. Nire-recycle ito. Pero paano ‘yong ibang basura na hindi nabubulok?

Gabundok na ang mga basura natin. Ano nang mangyayari sa ilang taon pang lilipas at darating? Ano ang buhay na kakaharapin ng bagong henerasyon?

Pamilyar ba kayo sa salitang recycling at creativity? Pagsamahin natin at subukang gawin para makatulong tayo sa pagbabawas ng basura.

May ilang mga taong ginagawang bulaklak ang mga patapon ng plastic bottle ng softdrinks. Mayroong parol, dekorasyon sa bahay, laruang sasakyan at christmas tree. May ilang wrappers ng candy, zest-o, straw, tansan, piraso ng mga tela at iba pa ang ginagamit namang materyales. May ilang, ito na ang siyang nagiging kabuhayan.

Ako? Mga old news papers, magazines, brochures, komiks, kalendaryo at old test papers ang napusuan ko. Marami kasi niyan sa bahay. Sayang kung itatapon lang, binili rin naman natin ‘yan di ba? Parang nagtapon na rin tayo ng pera. Ultimo pagpitas ng isang pahina sa notebook, nakakapanghinayang na di ba? Binili ‘yon ng mga magulang mo tapos aaksayahin mo lang. ‘Yong perang ibinili nila no’n, pinaghirapan nila.

Ginagawa ko itong dekorasyon sa bahay, panregalo, lalagyan ng gamit, alkansya at iba pa. Minsan nga, nabibili pa dahil kakaiba. Hindi ko po ito ipinapakita para i’promote ang produkto ko. Wala na po ang mga ‘yan. Pinan-regalo ko na po at ang ilan ay ipinasa ng mga pinsan ko para sa project sa eskwelahan. Heto po ang ilan:

BMPM

Did you like it? Isa ‘yan sa mga libangan ko kapag depress ako, maliban sa pagsusulat. Kapag gusto kong makalimot. Mga gawa sa papel lang ‘yan, sabi nila madali raw masira. Matibay po ‘yan. Pinagtibay ng glue, pintura at ng passion ko. Naniniwala akong wala sa isang bagay kung madaling masira o matibay, mura man o mamahalin, nasa gumagamit ‘yon kung marunong mag-ingat at pahalagahan ang mga gamit niya.

Marami pa tayong magagawa. Maaaring mas maganda pa at mas kapaki-pakinabang. Higit sa lahat, pwede mo pang pagkakitaan. Nakatulong ka na, natulungan ka pa.

May nagsabi sa akin dati noong maabutan ako sa bahay na gumagawa nito. “Ano bang pinaggagagawa mo, trabaho ng preso ‘yan ah.” Ang sakit po, grabe! Gusto ko nga sana siyang sagutin na, buti pa pala ang preso may pagkamalikhain, may nagagawa, samantalang ikaw wala. Kaso masama po ‘yon, mali. Kahit gaano pa kasama sa’yo ang isang tao, igalang mo parin siya. Nagkataon lang na ‘yon ang naging papel niya sa buhay mo. At minsan, may mga taong nakakasakit ng damdamin natin nang hindi nila namamalayan at hindi sinasadya.

Huwag niyo na lang pansinin ‘yong mga taong hindi ka maintindihan at pinagtatawanan ka. ‘Yong mga taong minamaliit ang kakayahan mo. Balang araw naman, makikita nila. Maaalala nila ang mga binitiwan nilang salita at sila na mismo ang magsasabi no’n sa sarili nila.

Paganahin mo lang ang imahinasyon mo. Kailangan mo ring palamanan ng sipag at tiyaga kasi medyo mabusisi. Malay mo, makagawa ka ng bagay na talagang hahangaan at hihila sa’yo pataas. Baka makilala ka, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Walang imposible. Tayo lang ang nagsasabi noon, mga salitang pinasisinungalingan ng mga taong pinagkalooban ng kakaibang talento at kakayahan. Mga katangiang ibinigay sa kanila para makatulong, hindi lang sa sarili kundi sa iba.

Ika nga nila, kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming dahilan.
Tulungan natin si mother earth. Tulungan natin si Inang Bayan. Ibalik natin at panatilihin ang mala-paraisong ganda ng ating bansa. Ipagmalaki ang sariling atin. Magtulungan tayo para mas masaya nating maisigaw sa buong mundong… it’s more fun in the Philippines!
Tulungan natin si mother earth. Tulungan natin si Inang Bayan. Ibalik natin at panatilihin ang mala-paraisong ganda ng ating bansa. Ipagmalaki ang sariling atin. Magtulungan tayo para mas masaya nating maisigaw sa buong mundong… it’s more fun in the Philippines!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: