Mahal ko o Mahal ako?

Alam kong pamilyar kayo sa tanong na, mahal ko o mahal ako? Isa sa mga paborito kong awitin dahil tuwing maririnig ko, parang hinihigop ang puso ko at ibinabalik sa sitwasyong ‘yon. Sa sitwasyong minsan kong kinasangkutan. ‘Yong parang pinag-jack en poy mo ‘yong dalawa mong kamay, nanalo nga ‘yong isa, pero alam mong niloloko mo lang ang sarili mo. Sa huli, hindi mo parin alam kung saan ka dapat. Ganon ka rin ba? Si Charity, ganon din.

Wansapanataym, nagmahal si Charity ng isang taong hindi naman siya napapansin at nakikita. Bulag? Hindi. Sa iba lang kasi nakatuon ang mga mata niya. Sa madaling salita, tanga, manhid at ambisyoso.

Meron talaga sigurong mga lalaking ganon. Akala niya, siya na ang huling lalaki sa mundo, napaka-choosy daig pa ang ate niya. Hanap ng hanap, samantalang nasa tabi niya lang naman ‘yong babaeng pinapangarap niyang magmamahal sa kanya. Hindi niya makita kasi he’s too caught up looking for the perfect girl, ‘yong tipong dream girl ng mga lalaki. Someone who never exist. Sobra-sobra kasi ang standard ng iba pagdating sa babae. Akala mo kung sinong hari ng kagwapuhan, ‘yon pala prinsipe ng katangahan at hari ng kamanhidan.

For me, dream girl and dream boy didn’t exist. Kasi nagsi-set tayo ng mataas na standard sa tao na hindi naman talaga lahat ‘yon present sa iisang tao lang. Sometimes, love came at the most unexpected way and to the most unlikely person. Sabi nga nila, love moves in mysterious ways.

Have you ever experienced waking up one morning and got amazed of yourself because you’ve changed? ‘Yongfeeling na, iba na ang hinahanap mo. Iba na ang hinihintay mo. Iba na ang gusto mong makita at makasama.Iba na ang taong laman ng puso mo. Ako oo at ganon rin si Charity.

Subalit sa halip na maging masaya sa panibagong pag-ibig na nagbabadya at kumakatok sa kanyang puso, gulo sa isipan at kaba sa dibdib ang kalaban niya.

GULO. Naguguluhan siya kung tama bang kalimutan na ang taong minahal niya nang kaytagal. Kung dapat bang magbigay na ng pagkakataon at pagbuksan ang taong ibig pumasok sa buhay niya. Kung tama bang piliin na lang ‘yong taong mahal siya at tuluyang talikuran ang taong naging dahilan ng pagluha niya.

KABA. Natatakot na siyang masaktan. Natatakot ng mabigo at maiwan. Sa paghahanap niya, labis na siyang nasaktan, kaya takot nang muling sumubok sa walang kasiguraduhan.

Pero paano kung siya na pala ‘yong tamang tao na itinadhana para sa’yo? Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Hahayaan mo na lang bang mawala siya, bumaliktad ang mundo at mauwi siya sa iba?

Sa laro ng pag-ibig, laging kaakibat nito ang ligaya at sakit. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Sa isang relasyon, hindi puro ligaya lang. May mga pagsubok na pipilitin kayong tibagin, pero kung wagas ang pag-ibig para sa bawat isa, malalampasan ito at lalo pang mapagtitibay ang pagsasama.

True love kumbaga. Matagal ko na ring hinahanap ‘yan kaso madulas. Bukas naman ang pinto ko para sa taong gustong pumasok sa mundo ko. At kung ako ang tatanungin, mahal ko o mahal ako? Walang kagatul-gatol kong isasagot na, mahal ako. Lahat nagbabago, malay mo paggising ko isang araw mas mahal ko na pala siya. Kaysa sa taong makitid ang isipan at nakapiring ang mga mata. Marahil dilat nga, para namang tulog sa pansitan. Swerte niya na, nawala pa. Buti na lang may mas nararapat na tao na siyang itinadhana sa kanya, na minsa’y inakalang siya na.

Sana maisip ‘yon ni Charity at sana maging masaya na siya. Nawa’y tuluyan na siyang lumaya sa nakaraan at mabuhay ng may ngiti sa kasalukuyan. Ngayon, bukas at magpakaylanman.

Maaari niyo rin po akong makausap at makakwentuhan sa aking twitter account na @MacchebCorner, para sa aking mga tula at mga kwentong magbibigay ng aral sa http://www.wattpad.com/user/maccheb o kaya’y maaari niyo akong padalhan ng pribadong mensahe sa aking email account na macchebcorner@gmail.com. Maraming salamat po. ^_^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: