Bespren,alam mo bang minahal kita?

Naaalala n’yo pa ba ang mga linyang ito nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa pelikulang, “Labs kita, okey ka lang?” noong taong 1998, if I’m not mistaken.

MARVIN: Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan kita eh…

JOLINA: Yes, kaibigan mo ko…kaibigan mo LANG ako. And that’s all I ever was to you Ned – your best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka…Taga-sunod…Taga-bigay ng advice…Taga-enroll…Taga-gawa ng assignment…Taga-pagpatawa sa’yo kapag nalulungkot ka…Taga-tanggap ng kahit na ano. And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend. Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan.

MARVIN: Budjoy…Budjoy…

JOLINA: Ngayong alam mo na, I think you can get out of my life.

MARVIN: Budjoy mahal kita, mahal kita Budjoy, mahal na mahal kita kaya siguro naduwag ako, kung magkarelasyon tayo, paano kung masaktan kita.Budjoy, baka pati ‘yong Budjoy na kaibigan ko, mawala pa, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Budjoy.

JOLINA: Anong gusto mong sabihin ko Ned? Anong gusto mong maramdaman ko? Mahal mo ako pero hindi mo naman kayang ipaglaban ‘yung pagmamahal mo sa’kin, gusto mong maniguro? Ned, hindi ka lang isang duwag, makasarili ka!

Relate much? Alam niyo bang ganyan na ganyan rin ang gusto kong isigaw sa harap ng bespren ko, pero wala ng pagkakataon. At ang lahat ay binura na ng paglipas ng mga taon.

Sila ang paborito kong love team, mula noon hanggang ngayon. Ang mga linyang ‘yan, tumatak na sa puso ko mula noong una kung napanood ang pelikulang ito. Not knowing that one day I would be in the same situation. Mararanasan ko pala ang sakit na naramdaman ni Budjoy, ‘yon nga lang, wala akong happy ending tulad nila. Hindi niya ako nakita at kahit kaylan yata, hindi na makikita. Wala siyang ni kapilas na ideya kung ilang ulit niya akong nasaktan. Hindi niya alam na sa loob ng ilang taong ‘yon, gabi-gabi akong umiiyak. Umaasang bukas makikita niya rin ako pero hindi nangyari ‘yon. Bagkos ay tuluyan pa siyang nagbago sa akin. My best friend who happened to be my ideal boyfriend turned into stranger. Hindi ko na siya kilala. Natatanong ko nga minsan sa sarili ko, bespren ba talaga ang lugar na inuukupa ko sa buhay niya o isa lamang akong estrangherong balewala kahit masaktan niya?

“Bespren, alam mo bang minahal kita? Hindi lang ng minsan kundi ng kaytagal. Bakit ba ang manhid mo?Bakit ang labo ng paningin mo? Ako ang kasama mo at hindi ka iniwan sa pag-iisa mo. Ako ang taong tumanggap sa’yo ng buong-buo. Pero ako ngayon ang balewala at kinalimutan mo. Pangit nga siguro ako, pero nasisiguro kong walang magmamahal sa’yo nang higit pa sa pagmamahal ko. Pero magandang balita, wala na ‘yon, tuluyan nang napagod at naglaho dahil rin sa’yo. Napapagod rin ang puso.”

Kaibigan ko si Google at sa kanya ko nakita ‘to isang gabi habang umiiyak ako. “I don’t think I ever really loved you. I think I was just in love with the idea of you.” Napaisip ako. Mahal ko ba talaga siya o nagpadala lang ako sa ideya ng mga tao sa paligid ko? Ang totoo, gusto siya ni mama para sa akin at panay rin ang panunukso sa amin ng mga kaibigan ko. Minsan nasagot ko sila. “Yucks! No way, hindi ko ma-imagine!”

Sabi nila kapag in love ka daw, magpa-fast forward ka o slow-mo. Wala akong ganong moment sa kanya, kaya nga hindi ko ma-imagine di ba? Sabi rin nila, masayang magmahal.Masayang umibig. Pero bakit sa akin, naging masakit? Ganun ba talaga si tadhana, kung sinong gusto mo, siyang pinagkakait sa’yo. Pero nang mapaisip ako, bigla akong natauhan.

Naging masakit ang pag-ibig na ‘yon kasi umasa ako. Umasa na balang araw ay mararamdaman rin niya kung ano ‘yong damdaming itinatago ko. Nag-assume ako kaya nasaktan ako, na sana hindi naman pala aabot sa ganoon kasakit.

Naalala ko ang isang kaibigan, writer at follower ko sa Wattpad. Tinanong niya ako. “Alam mo ba kung ano ang pagkakaiba ng sinasabi mong pagmamahal at pag-ibig?” Tinanong niya ‘yon para itama ako sa isang tula na ipinost ko sa Wattpad. Ang pagmamahal, pwede mong ibigay kahit kanino pero ang pag-ibig ay para sa taong natatangi mong mamahalin kahit walang kapalit. Ang damdaming sa kanya mo lamang maaring ialay at hindi magbabago kaylanman. Hindi ko eksaktong matandaan ‘yong paliwanag niya pero ito ‘yong pagkakaintindi ko. Kung magkaroon man ng pagkakataong mabasa niya ito, ‘kuya, salamat sa’yo’.

Bitter? Okay, bitter na kung bitter. Magiging better na rin soon. Hindi biro mag-move on ah. Mahigit dalawang taon ko na ring trinatrabaho ‘yon. Ilang nobela na ang natapos ko. Naalala ko lang, single eh. Sabi ko nga sa isang blogger noong isang linggo, I’m definitely single.Pebrero pa naman ngayon, buwan ng mga puso. Pero sino ba ang mag-aakalang aalukin niya ako ng date at pumayag ako? Hindi nga lang natuloy dahil sa trabaho pero itutuloy. Siya ‘yong taong madalas sabihin sa akin na baka daw kami ang itinadhana. Baka daw siya pala ang destiny ko. I keep on ignoring him dahil kay bespren. Mali pala ako. Bakit ba ngayon ko lang siya nakita? Ayokong hinuhusgahan ako pero paano ko siya nagawang husgahan dahil lang sa katayuan niya sa buhay. Ang sama ko noh? Pero masaya ako dahil may pagkakataon pa para bumawi sa kanya. ‘Yong ilang taong binalewala ko siya, mapapalitan ko ng pag-asa at oras. Oo, gusto ko siyang mahalin kasi nararamdaman kong, siya, mahal ako.

Sa buhay ng tao, may mga taong itinakda para sa atin at may mga taong minsan ay kailangang pakawalan dahil hindi siya nakalaan para sa’yo. Hindi lahat ng mag-bespren, nagkakatuluyan. May taong itinakda para sa kanya, meron ring para sa sa’yo. Katutuhanang kailangang tanggapin kahit mahirap. May isang taong darating o marahil nga ay matagal ng nandyan para buuhin ulit ang nadurog kong puso. Subalit, may mga nawawalang piraso dito na mananatiling nasa kamay ni bespren habambuhay. Mahirap mag-move on pero sabi nga, lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas.

Minsan, mas mabuting magmahal ng iba kaysa sa bespren mo. Kasi kapag dumating ‘yong panahon na ‘yon, mapagtatanto mo na hindi mo pala lubusang kilala ang taong naging sandigan mo. Ang taong akala mo maiintindihan ka, siya pa pala ang unang manghuhusga sa’yo. Ang tatawa sa damdamin mo. Ang taong hindi ka tanggap. Kung iba ang mamahalin mo, iwan ka man at may matuklasan kang mali, hindi ganoon kasakit. Marahil ay mas madaling mag-move on. Hindi ko naman nilalahat. May ilan akong kaibigan na naging sila talaga hanggang sa huli.

Matuto ka sa pagkakamali ko. Huwag kang mag-expect. Huwag kang mag-assume. Magpakatotoo ka.Kung kaya mo, sige magtanong ka. Oo, nakakahiya kung babae ka, pero isipin mo’to. Kung hindi ka magtatanong at magsasayang ng panahon sa paga-assume at pagkapit sa kutob mo lang, maiiwan ka lang na luhaan. Maawa ka sa sarili mo. At huwag kang magpaka-praning dahil lang sa lalaki. Nabuhay ka na ng walang lalaki, mabubuhay ka ng walang lalaki. Hindi lang lalaki ang may kakayahang magbigay ng kaligayahan sa mundo. Sa takdang panahon, darating rin ‘yong taong tunay na itinadhana para sa’yo. ‘Yong taong hindi ka na iiwan at sasaktan kaylanman.

Maaari niyo rin po akong makausap at makakwentuhan sa aking twitter account na @MacchebCorner, para sa aking mga tula at mga kwentong magbibigay ng aral sa www.wattpad.com/user/maccheb o kaya’y padalhan ako ng pribadong mensahe sa aking email account na macchebcorner@gmail.com. Maraming salamat po. ^_^

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: