PERA at KAIBIGAN: Sa pagsusulat?

Camera 360

PERA at KAIBIGAN: Sa pagsusulat?

Madalas akong mag-share ng mga tula at nobelang sinusulat ko sa facebook at twitter galing sa wattpad account ko. Madalas rin akong mag-post sa facebook ng pagpapasalamat ko sa unti-unting umuusad na reads at votes ko. Ganoon rin para sa isa-isang pagsulpot ng bagong follower. Walong buwan pa lang ako sa Wattpad. Baguhan at nag-iipon pa ng kaalaman. Okay lang lahit konti pa lang ang reads, votes at followers ko, at least, mayroong naglalaan ng kanilang oras at panahon para magbasa ng mga sinulat ko. Minsan nagi-effort pa silang mag-comment, mag-advice at nago-offer ng tulong para i-guide ako sa mga hindi ko pa alam. Open sila for new friend at feel mong welcome ka sa pinapasok mo kahit online lang. And the best way to pay them back is simply saying thank you and respecting them from the bottom of my heart. Marami pang kulang sa akin, marami pa akong dapat ayusin, matutunan at pagdaanan para maabot ang pangarap kong maging isang writer. Oo, alam kong dadaan muna ako sa butas ng karayom. Wala namang madali sa mundo di ba? Pero kapag gusto mo talaga at pinaghirapan mo, makukuha mo. At ako, handa akong makinig at mag-research nang mag-research para matuto.

MAY PERA BA SA PAGSUSULAT?

May bayad ba ‘yan? Ano ‘yan, may prize ba ‘yan? Magkano naman ang kita mo diyan? Ilan lang ‘yan sa mga natatanggap kong comment at message sa facebook. Ang totoo, wala sa isip ko ang pera na ‘yan. Sige, aminado akong dati naisip ko rin ‘yan ilang buwan matapos akong mag-resign sa trabaho. No’ng tumagal, natuklasan ko ang Wattpad kaya gumawa ako ng sarili kong account. Subalit no’ng nakailang tula at nobela na ako, nakalimutan ko na ‘yon. Masaya na akong may nagbabasa paisa-isa, may pumapansin, may natutuwa at minsan may nagkukusang magtanong kung anong username ko sa Wattpad para mabasa rin nila. That was already PRICELESS. Feeling blessed na ako doon, kaysa naman sa wala di ba? Malungkot ‘yon. J

‘Yong totoo, kaya ba nagsusulat ang mga writer para sa term na ‘bayad’? Para sa pera? Para sa akin hindi. Hindi natin maikakailang parte ‘yon kasi pinaghirapan nila ‘yon at talent nila ‘yon. They deserve it. Hindi kaya birong magsulat at mag-isip o humarap sa computer araw-araw. Masakit sa mata, sa likod, sa batok, at sa ulo. Naalala ko tuloy ‘yong ‘text neck’. J Ganun pa man, ginagawa nila dahil ‘yun ‘yong passion nila. ‘Yon ang happiness nila. Totoo naman at may mga paraan naman kung gusto mong kumita sa pagsusulat. Pero sigurado akong nagsusulat ang mga writer dahil sa mas malalim pang dahilan. Wala raw yumayaman sa pagsusulat sabi ng iba. Eh ano ngayon? Hindi ko naman pinangarap magpakayaman. Gusto ko, simpleng buhay. Ang mahalaga, masaya ako. Pangarap kong maging writer hindi dahil sa pera, may malalim akong pinaghuhugutan at kadahilanan.

MAY KAIBIGAN BA SA PAGSUSULAT?

Mula noon pa, pagsusulat na talaga ang libangan ko. Ang pinakamatalik kong kaibigan. Ito ang paraan ko para ilabas kung anong nasa loob ko. ‘Yong mga salitang hindi kayang bigkasin ng bibig ko. Kahit magsalita naman ako, walang makikinig, kadalasan pinagtatawanan pa ako. I’ve been through frustrations, rejections, and once, a bullying victim. Dahil sa kalagayan ko, hinuhusgahan, tinatapakan, pinagtatawanan at minamaliit ako. Wala daw akong kinabukasan at walang trabahong tatanggap sa akin. Ang masakit pa, madalas, mga kamag-anak ko pa ang nagsasabi noon. Nagsikap akong makapagtapos ng pag-aaral at napatunayan kong nagkamali sila. Nakakuha ako ng magandang trabaho at pinagkatiwalaan. Subalit, nakaramdam ako ng kulang. Kaligayahan ko talaga ang magsulat na natigil mula nang mag-trabaho ako. Ang pagsusulat ang bagay na hinahanap-hanap ko. Ang pangarap ko. Ang tanging kaibigang nakasama at dumamay sa akin no’ng mga panahong nag-iisa ako at masama ang loob sa mundo. Minsan ang kaibigan, iiwan ka sa ere pero ang pagsusulat hindi.

I wanted to be a writer, not for money but for my happiness. To prove them wrong. I want to inspire people, teach them a lesson and pull them out of their bed of depression. I want to take them out of their shells. ‘Yong mga katulad kong dumaranas ng emosyonal na pananakit ng ibang tao. Mga taong ‘feeling perfect’ at walang kapintasan. Alam nating lahat na walang nabubuhay na perpektong tao sa buong mundo. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero ako nakaya ko. Naging parte na ng buhay ko ang masaktan at pagkaitan, pero patuloy akong lumalaban. Pinanghihinaan ako minsan ng loob, mga panahong gusto ko na lang magtago pero pilit akong bumabangon at muling humaharap sa mundo kasi kailangan. Kailangang ipagpatuloy ang buhay. Alam ko kung gaano kahirap pero nakaya at kakayanin kong harapin at malampasan ang lahat. ‘Ika nga ni ‘G’ sa programang “Oh my G”, lahat ng bagay ay lumilipas. Ang bawat sugat ay naghihilom sa paglipas ng panahon.

Kaya ko nga, pero paano ‘yong iba? Ako sanay na ako at naging manhid na yata sa sakit, pero sila baka hindi. Mayroong mga taong natatalo ng lungkot. Madalas depress, iyak ng iyak, nagkukulong sa kwarto, nawawala sa katinuan at minsan umaabot pa sa pagpapakamatay. Katulad ng karakter ni ‘Kate’ sa teleseryeng “Forevermore”. May mga taong hirap tanggapin ang katutuhanan, kabiguan at kawalan. Naiintindihan  ko sila dahil napagdaanan ko rin ‘yon.

In my own little ways, I want to help them through writing. Maaari akong maging kaibigan at takbuhan sa mga panahong inaakala mong nag-iisa ka. Taong handang makinig at umintindi. Hindi manghuhusga. Gusto ko maging dahilan ng kanilang pagbangon at pagpapatuloy ng buhay. Sana isang araw, kahit isa man lang, may mapangiti ako. May maniwala sa kasabihang, “Habang may buhay, may pag-asa.”. Hindi maaaring huminto ang mundo dahil lang sa kabiguan. Bagkos ay gamitin natin itong stepping stone para abutin ang mga gusto nating marating, para maging matatag at matapang. Matapang na harapin ang lahat ng pagsubok at hamon ng buhay.  🙂

Advertisements

2 comments

  1. Very nice Chen! Welcome to WordPress! 🙂

    Like

    1. Thank you Doctor Eamer. 🙂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: